WebClick Tracer

Bahay sa Lucban, Quezon agaw-pansin sa sandamakmak na Christmas lights

Dinarayong pasyalan ngayong Ber months ang isang bahay sa Lucban, Quezon.

Ayon sa ulat sa Abante Teletabloid, agaw-pansin ang bahay ng pamilya Esperanza dahil sa namumutiktik na mga pailaw at Christmas decor.

Sabi ni JM Esperanza, anak ng may-ari ng bahay, nagsimula lamang sila sa simpleng pailaw ngunit hindi inaasahang dadayuhin ito ng mga tao para makapagpakuha ng litrato.

Nababalutan ng mga Christmas light at decor ang may tatlong palapag nilang bahay.

Binuksan nila ito noong Setyembre at tatagal hanggang Enero ng susunod na taon. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on