WebClick Tracer

Manager ng fast food chain tinadtad ng mura ng de-kotseng kostumer

Viral ang video kung saan pinagmumura ng kostumer ang manager ng isang fast food chain.

Nag-init ang ulo ng kostumer na nakasakay sa SUV nang pakiusapan ng manager na umabante muna dahil pitong minuto pa ang order niya at para maserbisyuhan ang iba pang nakapila sa drive thru.

Kahit pa panay ang paliwanag ng manager sa kanya na ise-serve na lamang ang kanyang order ay nanggagalaiti pa rin ang lalaking kostumer at panay ang mura sa babaeng manager.

Pinagbantaan pa niya ang manager na tanggal na ito sa trabaho kinabukasan.

“Ggo ka. Nagda-drive thru kayo papupuntahin mo ako doon?! Alam mo magkano gasolina? Nag-iisip ba kayo? Ggo ka. Manager ka? Kausapin mo mga tao mo ha. Kung wala kayong drive thru patanggal n’yo na ‘to,” anang kostumer.

“Maghanap ka na ng trabaho mo bukas,” patuloy niya.

Ibinahagi ang video ng Facebook page na Visor.

“Grabe. ‘yung mag mura ka sa babae ng ganun, sobrang napaka walang hiya mo na,” comment ng isang netizen.

“Isipin mo nalang pano nya kaya tratuhin mga kasama nya sa bahay lalo na ang asawa nya,” saad naman ng isa.

“Sana mag karoon talaga ako ng kapangyarihan. Tapos igaganti ko ‘yung mga taong inaapi kagaya nito no,” sey ng isa pang nakapanood ng video. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on