WebClick Tracer

Westbrook, pilit itinataboy ng Lakers

Muling nabuhay ang usapan sa paglipat sa all-star guard na si Russell Westbrook, lumabas kasi ang ilang balita na muntikan ng itapon si Westbrook sa Indiana Pacers kapalit sina Myles Turner at Buddy Hield.

Bago umano magsimula ang training camp ay may malalim na usapan na ang Lakers at Pacers patungkol sa trade na mangyayari ngunit tila nagdalawang-isip ang Lakers front office kung ipapamigay nila ang kanilang first round picks para magkaroon ng tsansa masungkit ang kampeonato ngayong season.

Sa kasalukuyan ay nasa koponan pa rin si Westbrook at nagsisimula na rin ang training camp ng Lakers. Bukas naman ang kanilang bagong coach na si Darvin Ham kung sakaling papalitan si Westbrook bilang starting point guard. (CS)

TELETABLOID

Follow Abante News on