WebClick Tracer

Tsika ni Cristy Fermin: Jake Zyrus natsugi sa kakawalwal, na-revive lang sa ospital

Pinag-usapan sa latest episode ng “Showbiz Now Na” ang tungkol sa nangyari kay Jake Zyrus habang nasa Amerika. Si Jake ay dating si Charice Pempengco.

Ani Cristy Fermin, isang source ang nagtsika na may pagkakataon daw na nawalan ng ulirat si Jake sa Chicago, USA dahil sa sobrang kalasingan.

“Kuwento po ito ng mga kapwa natin Pilipino na nakakapanood kay Charice sa maliliit na mga gigs niya. At sa mga lugar na pinupuntahan niya, laging naglalasing, nagwawarla kapag lasing na at nagsisisigaw. At there was one time, sa Chicago ito, kuwento ng isang kababayan natin, nag-pass out siya, nawalan ng ulirat sa pagkalasing,” sey ni Fermin.

“Ay ganu’n na kalala?” react ng kasama niyang si Romel Chika.

“Nawalan ng ulirat? Ibig sabihin Ate Cristy, parang shutay?” sundot naman ng isa pang kasama nilang si Morly Alinio.

Sagot ni Fermin, “Parang ganun. Kaya nga tumawag ang mga naroon ng 911. Alam n’yo bang ipinasok na, isinilid na siya sa body bag?”

“At nu’ng dalhin sa ospital, ni-revive lang. At awa ng Diyos, nabuhay siya uli,” patuloy ni Fermin. (IS)

TELETABLOID

Follow Abante News on