Isang lamayan ang ipinatayo ni Davao City Rep. Paolo Duterte para mabigyan ng maayos na burol ang mga mahihirap na residente ng lungsod.
Ngayong Lunes ay nai-turnover na sa mga opisyal ng Barangay Talomo ang funeral home.
Bukod sa lamayan, nai-turnover na rin sa Barangay ang isang gymnasium at 10 tent.
Sa isang seremonya, hiniling ni Rodrigo Duterte II, anak ng kongresista, sa mga residente na ingatan ang mga imprastraktura upang mapakinabangan ito ng matagal.
Nagpasalamat naman si Barangay chief Engr. Bendor Calamba sa kongresista at sa kanyang tanggapan sa mga proyekto at programa nito sa kanilang nasasakupan. (Billy Begas)


