WebClick Tracer

2023 budget ng OVP lusot sa Senate panel

Sa loob lamang ng 40 minuto, inaprubahan ng Senate finance committee ang panukalang pondo ng Office of the Vice President (OVP).

Sa pamumuno ni Vice President Sara Duterte, ipinanukala ng OVP ang P2.3 bilyon pondo para sa taong 2023.

Sa kanyang manifestation, umapela si Senate President Juan Miguel Zubiri sa kanyang mga kasama na bigyan ng ‘due courtesty’ ang OVP at aprubahan ang kanilang 2023 budget sa lalong madaling panahon.

“Time and time again, whenever there is a budget deliberation of the OVP, we would always support the budget of the OVP, whoever the Vice President may be. And we give due courtesy to that very important office,” sabi ni Zubiri.

“So I’m here also appealing to my colleagues that we give the same courtesy we have given to the previous Vice Presidents when it comes to their budget,” dagdag pa niya.

Inilarawa pa ni Zubiri si Duterte bilang napakasipag at mahal ng mamapayang Filipino.

“Her budget request, as far as I am concerned, is a very sound one, an important measure on how she will be able to help people, especially in these times of calamities and tragedies and still within the pandemic,” ani Zubiri.

Samantala nagpahayag ng suporta si Sen. Ramon Bong Revilla Jr. kay Vice President Sara Duterte sa panahon ng committee deliberation ng budget ng Office of the Vice President (OVP).

Pinuri din ni Revilla ang pagsisikap ng OVP para mapalapit sa mga tao sa pamamagitan ng paglalagay ng satellite offices sa iba’t-ibang bahagi ng bansa kung saan sa kasalukuyan ay mayroon ng mga OVP offices sa Dagupan, Cebu, Surigao, Zamboanga, Bacolod, Tacloban at Davao.

“Ang liderato ni VP Sara at haba ng karanasan nito bilang local chief executive sa Davao City ay patunay na magiging maayos niyang matutugunan ang mga kailangang polisiya at programa na makatutulong para maiangat ang buhay ng mga Pilipino,” sabi ni Revillla. (Dindo Matining)

TELETABLOID

Follow Abante News on