WebClick Tracer

Scottie nagpalit ng jersey number, Ginebra olats

Ginulantang ni Scottie Thompson ang mga fan nang magsuot siya ng bagong jersey number sa salpukan ng Ginebra at Rain or Shine nitong Miyerkoles sa PBA Commissioner’s Cup.

Mula sa No. 6, ginawang No. 9 ng reigning MVP ang jersey number niya.

Gamit na ni Thompson ang No. 6 jersey noong college days pa niya sa University of Perpetual Help.

No. 6 din ang jersey number niya noong maglaro sa PBA D-League at Gilas Pilipinas.

Ayon sa ulat, personal ang dahilan kaya nagpalit ng jersey number ang do-it-all-guard.

Dito naman isinisi ng mga fan ang pagkatalo ng Gin Kings sa Rain or Shine, 93-71, sa unang game nito sa Commissioner’s Cup.

@brgyginebramcjh: “Scottie Thompson balik kana sa no.6 jersey. di bagay sayo no.9 wala naman problema kay locsin at ampalayo gamitin mo number nila.”

@dennisrobin: “Balik na nya 6 kasi swerte malas yang 9.” (Issa Santiago)

TELETABLOID

Follow Abante News on