WebClick Tracer

Resolusyon ng pagkilala sa JIL pinagtibay ng Kamara

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang resolusyon na kumikilala sa Jesus Is Lord (JIL) Church Worldwide, na pinangungunahan ng evangelist at CIBAC party-list Rep. Eduardo Villanueva.

Ang House Resolution 420, kung saan isinama ang HR 387 at 410 ay pinagtibay sa sesyon ng plenaryo noong Martes ng gabi.

“Whereas, on the occasion of its 44th founding anniversary, the JIL Church Worldwide deserves special recognition from the Filipino people for its ministry of healing and inspiration that promotes Christian values and tradition,” sabi sa HR 420.

Ang HR 420 ay akda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe, House Minority Leader at 4Ps party-list Rep. Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, Tingog party-list Representatives Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.

“Whereas, four decades on, the JIL Church Worldwide stays committed to fulfilling its apostolic and prophetic mission in the country … This year’s anniversary theme, ‘Arise and Build,’ encourages the members of JIL Church Worldwide to contribute to the creation of a resilient and progressive nation by spreading hope and positivity in the midst of crises and suffering,” sabi pa sa resolusyon.

Ang JIL Church Worldwide ay itinayo noong Oktubre 29, 1978. Mula sa 15 miyembro ay naging isa na ito sa pangunahing Christ-centered, bible-based, full-gospel church sa buong mundo.

Mahigit sa 5 milyon ang mga miyembro nito na nakakalat sa iba’t ibang bansa. (Billy Begas)

TELETABLOID