WebClick Tracer

PBBM nakiramay sa limang Bulacan rescuers na nasawi sa bagyong ‘Karding’

Nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pamilya ng limang rescuers ng Bulacan na nasawi sa kasagsagan ng pananalasa ng super typhoon ‘Karding’.

Sa post ng Pangulo sa kaniyang social media page, inihayag nito ang pakikidalamhati sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

“I am deeply saddened to hear that we lost five good men to Typhoon Karding,” saad ng Pangulo.

Sinabi ng Presidente na mananatili sa alala ng mga Pilipino ang ipinakitang katapangan ng limang biktima sa kanilang tungkulin.

Kasama ang Pangulo sa pagdadasal para sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

“Our prayers go to the families of George Agustin, Troy Justin Agustin, Marby Bartolome, Narciso Calayag Jr., and Jerson Resurreccion. Their courage and bravery will live on in our memory,” dagdag ng Pangulo.

Magugunitang, sakay ng military truck ang mga biktima para iligtas ang ilang mamamayan sa hagupit ng bagyong ‘Karding’ ngunit nasiraan ang mga ito kaya lumipat ng bangka. Nabagsakan ng pader ang sinasakyang bangka ng mga ito, na naging dahilan ng kanilang kamatayan. (Aileen Taliping)

TELETABLOID