WebClick Tracer

Pagpapaliban ng barangay, SK eleksyon lusot sa Senado

Sa botong 17-2, inaprubahan na ng Senado ang isang panukala na naglalayong ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections sa Disyembre 2023.

Nakatakdang isagawa ang halalan sa Disyembre ng taong ito. Si Senadora Imee Marcos ang nag-sponsor ng panukala bilang chair ng Senate Committee on Electoral Reforms.

“The fact that the barangay and SK elections have been postponed relentlessly through decades merely underlies the unfinished business of deeper issues plaguing both the barangay and SK systems,” sabi ni Marcos sa kanyang sponsorship speech.

“Thus, this proposed election postponement is a means to buy us time for a series of measures that the Committee on Electoral Reforms and People’s Participation is proposing to Congress. This is merely a preliminary measure to give us time to study and debate the deeper issues confronting the barangay and SK systems under our present law,” dagdag pa niya. (Dindo Matining)

TELETABLOID