WebClick Tracer

‘Noru’ dumating na sa Vietnam

Bagyong ‘Noru’ tumama na sa Vietnam, nagparamdam kaagad ito ng malalakas na hangin at ulan. Marami ng residente ang lumikas dahil sa epekto ng bagyo.

Tinatayang nasa 200,000 katao na ang lumikas dahil sa bagyo. Inaasahan naman ang malalakas na ulan at pagguho ng lupa sa mga susunod na araw.

Nakahanda naman na ang rescue at relief operation ng Vietnam. Sarado naman na ang ilang paliparan, paaralan at opisina sa Vietnam.

Matatandaang dumaan si ‘Noru’ (Karding) sa Pilipinas at nag-iwan ng pagbaha sa ilang lugar. (CS)

TELETABLOID