WebClick Tracer

NDRRMC: 10 patay, 8 nawawala dahil sa bagyong ‘Karding’

Umakyat na sa 10 katao ang nasawi dahil sa super typhoon ‘Karding’ ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

8 indibidwal naman ang nawawala.

Matatandaan na hinagupit ng bagyo ang ilang lugar katulad ng Bulacan, Nueva Ecija, Quezon Province, Aurora at iba pa. Nag-iwan sa mga lugar na nasalanta ang baha, pagkawala ng kuryente at ilang pagguho ng lupa.

Patuloy pa rin sa ilang lugar ang clearing operations at pamimigay ng relief goods.

(CS)

TELETABLOID