WebClick Tracer

Lalaking nawawala matapos ang bagyo, natagpuang patay na

Natagpuan na ng Bureau of Fire Protection (BFP) Special Rescue Region 3 ang katawan ng isang lalaki na nawawala sa kasagsagan ng pananalasa ni super typhoon ‘Karding’.

Ang 62 taong gulang na lalaki ay residente ng Cambio, San Miguel, Bulacan, positibo naman na kinilala ng pamilya ang natagpuan na katawan.

Iniulat na nawawala ang lalaki nitong mga nakaraang araw kasabay ng pananalasa ni ‘Karding’. Matatandaan na isa ang bayan ng San Miguel sa Bulacan ang malakas na tinamaan ng bagyo at nag-iwan ng ilang lugar na lubog sa baha.

(CS)

TELETABLOID