WebClick Tracer

Barangay sa Lapu-Lapu, nakatanggap ng P50,000

Nakatanggap ng P50,000 ang Brgy. Subabasbas noong Setyembre 26, 2022 mula sa pamahalaan ng Lapu-Lapu matapos tanghalin ito na drug-cleared barangay.

Tinanggap ni Subabasbas Punong Barangay Joselito Tibon at Kagawad Mateo Bonghanoy ang nasabing pera.

Ang Brgy. Subabasbas ang pinakaunang barangay sa Lapu-Lapu City na idineklara ng Regional Oversight Committee on Barangay Drug Clearing (ROCBDC) na drug-cleared barangay.

(CS)

TELETABLOID