WebClick Tracer

Badoy nagbanta sa hukom, iimbestigahan

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang ginawa umanong pagbabanta ni dating PCOO (Presidential Communications Operations Office) Undersecretary Lorraine Badoy sa isang hukom na nagbasura ng petisyon upang taguriang terorista ang Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Sa deliberasyon ng budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) ngayong Martes ay nagtanong si Kabataan Rep. Raoul Manuel kaugnay ng aksyon ng PNP sa post ni Badoy.

Sinabi ni Manuel na kung gaano kabilis ang otoridad sa paghuli sa guro na si Ronnel Mas matapos nitong mag-post ng P50 milyong pabuya para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ganun naman umano ito kabagal umaksyon kay Badoy.

“Now, I raised this, Mr. Speaker, because our previous spokesperson of the NTF-ELCAC, Lorraine Badoy Partosa, has made a similar action and we want to know if the police have any intention to arrest her because she also placed the safety and security of a Manila judge’s life in peril,” sabi ni Manuel.

Sinabi ni Nueva Vizcaya Rep. Luisa Cuaresma, ang sponsor ng badyet ng DILG, na susunod sa proseso ang PNP.

Kalaunan ay sinabi ni Cuaresma na magsasagawa ng imbestigasyon ang PNP.

“Mr. Speaker and your Honor, the policemen will investigate Mr. Speaker and we will submit to – will give a copy to the Honorable Raoul Manuel as to the result of the investigation that shall be conducted by our PNP, Mr. Speaker,” dagdag pa ni Cuaresma.

Hinimok ni Badoy ang publiko sa kaniyang social media post na maging maluwag sa kaniya kung patayin nito ang hukom dahil sa kaniyang paniniwalang politikal. (Billy Begas)

TELETABLOID