WebClick Tracer

42,000 na estudyante, nakatanggap ng cash assistance sa Central Visayas

Naglabas ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Central Visayas ng P112.72 milyon na halaga ng educational assistance upang ipamahagi sa 41,702 na estudyante. Natapos ang nasabing programa noong Setyembre, 24, 2022.

Karamihan umano sa nabigyan ay estudyante mula sa kolehiyo. 16,898 na estudyante mula sa kolehiyo, 10,381 na estudyante mula sa elementarya, 8,519 na estudyante mula sa junior high at 5,904 na estudyante mula sa senior high ang nakatanggap ng cash assistance.

Ayon sa record ng DSWD, ang Cebu ang may pinakamadaming benepisyaryo na naitala. Sumunod naman ang Negros Oriental, Bohol, Siquijor.

(CS)

TELETABLOID