WebClick Tracer

P1 milyon na halaga ng droga, timbog sa Olongapo

Nakuha sa Olongapo City ang droga na may tinatayang halaga na P1 milyon. Isang operasyon sa Brgy. New Asinan, Olongapo City ang nagresulta sa pagkakadiskubre sa mga droga.

150 na gramo ng shabu ang narekober sa tatlong suspek. Tinatayang nasa isang milyon ang halaga ng mga shabu.

Ang tatlong suspek ay pawang mga residente ng Olongapo City. Kinakaharap ngayon ng mga suspek ang paglabag sa RA 9165. (CS)

TELETABLOID