Anim na pasyente sa Bicol ang namatay dahil sa rabies.
Ayon sa Department of Health-Center for Health Development (DOH-CHD) nitong Huwebes, nagmula ang dalawang biktima sa Camarines Norte, dalawa sa Sorsogon, isa sa Camarines Sur, at isa sa Masbate.
Tumaas din ang bilang ng mga nakakagat ng hayop, karamihan ay aso sa 31,138 mula Enero hanggang Hunyo nitong 2022.
Ayon kay Ruby Jeremias, rabies coordinator ng DOH-CHD, tumaas ang naturang bilang kumpara noong 2021 sa kaparehong panahon na nagtala lamang ng 25,736 insidente ng nakagat ng hayop. (IS)