Inalis na ng Food and Drug Administration sa listahan ng mga gamot na exempted sa 12-percent value-added tax (VAT) ang tatlong gamot para sa mental illness.
Sa sulat na ipinadala kay Internal Revenue Commissioner Lilia Catris Guillermo, sinabi ni FDA Director General Samuel Zacate na inalis ang mga naturang gamot sa VAT exempt dahil hindi sumunod sa mga probisyon ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Law.
Ang generic name ng mga gamot na inalis sa mga VAT-exempt medicine ang Dexmedetomidine for intravenous infusion; Dexmedetomidine, concentrate solution for intravenous infusion; at Dopamine Hydrochloride, solution for reconstitution. (IS)