WebClick Tracer

Naturalization nina Brownlee, Oliver tiniyak ni Angara

Ayuda

Nakahanda si Senador Sonny Angara na pangunahan ang paghahain ng mga panukala para sa naturalization nina Philippine Basketball Association (PBA) imports Justin Brownlee at Cameron Oliver para mapalakas ang Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup sa susunod na taon.

“We have a very unique opportunity to shine before a worldwide audience when we host the FIBA World Cup in August next year. As hosts we have already qualified for the prestigious tournament and we have a solid foundation for our Gilas Pilipinas squad,” sabi ni Angara, tumatayong chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

“Having naturalized players with the caliber of Brownlee, who has won multiple championships in the PBA and ranks among the highest scoring imports in the league’s history, and Oliver, a prolific scorer who has played in various leagues, including the NBA, will provide a major boost to Gilas Pilipinas as it faces off with the best in the world,” dagdag pa niya.

May mga panukala nang inihain noon sa Kamara at Senado para sa naturalization ni Brownlee sa nagdaang 18th Congress subalit hindi ito umusad dahil nabigo siyang makabalik sa Pilipinas sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic.

Sina Senador Joel Villanueva at Senador Joseph Victor “JV” Ejercito ang naghaijn ng panukala para sa naturalization ni Brownleed ngayong 19th Congress.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Sports na pinamunuan ni Senador Christopher “Bong” Go, last Monday, nabanggit ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes ang pangalan nina Brownlee at Oliver bilang kanilang kandidato para sa kanilang naturalization.

Ayon kay Reyes, nakumpleto na ni Brownlee ang documentary requirements habang si Oliver naman ay nasa proseso na ng pagsumite ng kanyang sariling dokumento para sa naturalization.

Sa kasalukuyan, nasa roster ng Gilas bilang naturalized player si Utah Jazz guard Jordan Clarkson na naunang nagsabing nakahandang siyang maglaro sa Pilipinas sa 2023 World Cup.

Subalit hindi naman available si Clarkson sa May 2023 Southeast Asian Games sa Cambondia dahil sa kanyang contractual obligations sa Jazz. (Dindo Matining)

TELETABLOID