WebClick Tracer

Suportahan PH hosting sa 2023 Fiba World Cup — Angara

Kumpiyansa si Senador Sonny Angara na handang-handa na ang Pilipinas para sa pagho-host ng 2023 FIBA Basketball World Cup.

Ang Pilpinas ay co-host sa World Cup kasama ang Indonesia at Japan. Sabi ni Angara, nangako na ang Philippine Basketball Association (PBA) na ititigil nila ang kanilang mga laro sa loob ng apat na buwan para bigyang daan ang pagdaraos ng torneyo.

Ayon pa sa senador, isang unique at rewarding opportunity para sa Pilipinas ang pagho-host ng FIBA World Cup 2023 kaya suportahan ito ng mga Pinoy.

“This is very different from the time last time we hosted in 1978. Wala pa dyan yung internet, wala pa billion dollar brands. He said each of these basketball superstars that will be coming over to the Philippines is a billion dollar brand in himself,” sabi ni Angara sa pagdinig ng Senate Committee on Sports.

“Bigyan natin ng pag suporta ng pag host nito. Definitely I think malaki ang pangangailangan for 2023. Hindi lang milyon o daang milyon ang pinaguusapan dito kundi bilyon,” dagdag pa niya.

Naniniwala si Angara na kikita ang gobyerno ng bilyong piso sa oras na kapag natapos na ang ‘hosting job’ ng Pilipinas sa world cup. (Dindo Matining)

Jak Roberto isiniwalat kung kailan siya na-inlab kay Barbie Forteza

TELETABLOID