WebClick Tracer

Dagdag-buwis sa sweetened beverages, di napapanahon – Angara, Gatchalian

Hindi pabor ang dalawang senador sa panukala ng Department of Health (DOH) na dagdagan ang buwis ng matatapos na inumin na naglalayong matugunan ang obesity sa bansa at bilang dagdag pondo rin sa inversal health program.

Ayon kay Senador Sonny Angara, chairman ng Senate committee on ways and means, sa kasalukuyan ay may batas na umano para sa mga matatamis na inumin o sweetened beverages.

Kailangang pag-aralan din mabuti ang panukala dahil mataas ang inflation ngayon.

“First of all we already have taxes on sweetened beverages, exempting milk and coffee; secondly, we should study the timeliness of such measures given the relatively high inflation in the country and the world,” reaksiyon ni Angara.

“Baka di napapanahon kahit maganda pa man ang intension,” dagdag pa niya.

Sabi naman ni Gatchalian, “The sugar sweetened beverage tax is only 4 years old (2018). Typically, it takes time for taxes like these to change the habit of the consumers. Moreover, we also need to make sure that the support, due to low consumption of sugar, are being given to our sugar farmers equitably”.

“Having said that, the committee is scheduled to review implementation of sugar sweetened beverage tax and it’s effects to the health of our people,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni DOH Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na ang pagpataw ng dagdag na buwis sa naturang produkto ay makakabawas sa konsumo nito tulad na nakita sa pagpataw ng buwis sa mga alcoholic drink at tobacco product.

Bagama’t wala pang specific proposal ang DOH, sinabi ni Vergeira na ang dagdag kita ay gagamitin para mapondon ang Universal Healthcare Law kung saan awtomatikong kasali ang lahat ng mga Pilipino sa ilalim ng National Health Insurance Program. (Dindo Matining)

TELETABLOID