WebClick Tracer

Paolo Duterte isinulong community-based public awareness campaign kontra monkeypox

Isinulong ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang pagsasagawa ng community-based public awareness campaign upang labanan ang pagkalat ng monkeypox matapos na maitala ang unang kaso nito sa bansa.

Ayon kay Duterte dapat kasama ang mga opisyal at empleyado ng barangay sa kampanya upang masiguro na tamang impormasyon ang makararating sa mga komunidad.

“Educating our countrymen at this stage will help the DOH in its public surveillance and prevention efforts. It will also clear up misconceptions about monkeypox that could lead people to become lax in following health protocols,” sabi ni Duterte.

Mahalaga umano na maitama ang mga maling akala kaugnay ng monkeypox gaya ng paniwala na kumakalat lamang ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik, taliwas sa pahayag ng World Health Organization at US Centers for Disease Control na maaari itong maipasa sa pamamagitan ng close contact o paggamit ng kontaminadong beddings o tuwalya.

Sinabi ni Duterte na mapaiigting ang kampanya laban sa monkeypox kung tamang impormasyon ang alam ng publiko.

“Educating the public will also help eliminate the stigma that might be associated with monkeypox and encourage people with possible infections to come forward instead of remaining undetected. This will also prevent panic in the event that the virus is detected elsewhere within our borders,” dagdag pa ng solon.

Noong nakaraang linggo ay iniulat ng Department of Health na naitala sa Pilipinas ang unang kaso ng monkeypox.

TELETABLOID

Follow Abante News on