WebClick Tracer

OVP naglunsad ‘Libreng Sakay’ program

Naglunsad ang Office of the Vice President (OVP) ng “Libreng Sakay” program nitong Miyerkoles, Agosto 3.

Ayon kay Vice President Sara Duterte, ang naturang programa ay gagamitan ng limang bus na ipinahiram ng mga pribadong sektor.

Sinabi ni Duterte na ang limang bus ay ipinahiram sa kanya noong tumatakbo pa siya sa pagka-bise presidente noong 2022 elections.

“These were buses that were lent to us during the campaign and pagkatapos ng kampanya, pagkatapos ng election day, wala na silang biyahe, wala na silang ginagawa, nakaparking lang lagi,” pahayag ng Bise Presidente sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) launching ceremony.

“The team decided na kahit five units lang ito, mas makakatulong ito if we give support to the Libreng Sakay of the DOTr and thank you for welcoming us to your project,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi rin ni Duterte na dalawang bus ang gagamitin sa Metro Manila, isa sa Davao City, isa sa Cebu, at isa sa Bacolod.