WebClick Tracer

Fil-Am sa Florida hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo

Hinatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo ang isang Filipino-American sa Tallahassee, Florida dahil sa kaugnayan umano nito sa pagpatay sa isang university professor.

Kinilala ang Fil-Am bilang si Katherine Magbanua, 37-anyos, at isang ina sa dalawang anak.

“On count two, which is a conspiracy to commit murder, you have been found guilty by a jury. You will be adjudicated guilty and you will be sentenced to a consecutive sentence of years in the Department of Corrections,” wika ni Hon. Robert Wheeler ng Leon County Circuit Court.

Ipinaliwanag ng prosekyusyon sa pagdinig kung paano naugnay si Magbanua sa pagpatay sa propesor na si Dan Markel.

“Back in 2014, the defendant had a rich boyfriend named Charlie Adelson. And Charlie Adelson’s family had a big problem. And that problem was Dan Markel. The solution to the problem was this defendant. This defendant was the solution because she had connections with the type of people who were willing and capable of pulling a gun at a stranger, someone they never met and pulling the trigger,” wika ng prosecutor na si Sarah Dugan.

Inarkila umano ni Magbanua ang ama ng kanyang mga anak na si Sigfredo Garcia at ang kaibigan nito na si Luis Rivera para sundin ang utos ni Adelson na patayin si Markle. Si Garcia ay nahatulan ng guilty noong 2019 ngunit 19 taon lang mabibilanggo dahil sa kanyang guilty plea. Si Adelson naman ay sasalang sa pagdinig sa susunod na taon.

TELETABLOID