WebClick Tracer

Drug lord na 2 beses nakatakas ng kulungan, nadakip ulit

Ilang ulit mang nakatakas ng kulungan ay sa bilangguan pa rin ang bagsak ng isang 85-anyos na drug lord matapos siyang mahuli muli noong Hulyo 28.

Ang drug lord ay kinilalang si Frank Chua.

Nang mahuli sa Sampaloc, Maynila, itinanggi ng lalaki na siya si Chua at sinabing siya si Tsai Rong Chang.

Gayunman, sa pamamagitan ng fingerprint examination ng NBI-Dactyloscopy Division ay nadiskubre na si Tsai at Chua ay iisa.

Ayon sa ulat, si Chua ay unang naaresto noong 1989 kasama ang iba pa na sangkot sa pag-smuggle ng 58 kilo ng shabu sa Ilocos Sur. Taong 1990 nang makatakas siya.

Matapos ito, naaresto siyang muli noong 2003 kung saan ginamit niya ang pangalang Tsai Jung Shui. Nakatakas siyang muli noong 2004.

TELETABLOID