WebClick Tracer

Bomba, 4 pampasabog ginamit umano sa WWII natagpuan sa Cagayan

Natagpuan ang isang bomba at apat na iba pang pampasabog na ginamit di umano sa World War II, sa Gattaran, Cagayan.

Ayon kay Gattaran Municipal Police investigator Master Sgt. Edgar Mandac, noong Agosto 2 ay isang residente umano ang nakahukay sa bomba sa bakanteng lote sa Zone 2, Barangay Takiki.

“Itong residente ay nagpapastol ng baka niya nang makita niya iyong vintage bomb. Parang ruin na bahay, basta matagal nang abandonado,” ani Mandac.

Samantala, nadiskubre naman sa bakanteng lote sa Bgry. Centro Sur ang apat na iba pang kinakalawang na pampasabog gamit ang canine unit ng pulisya.