WebClick Tracer

9 sugatan nang mahulog sasakyan sa bangin

Sugatan ang siyam na katao matapos malaglag ang kanilang sasakyan sa bangin sa Tabuk, Kalinga.

Ayon sa imbestigasyon, pauwi na sana mula sa isang pagtitipon ang mga sakay nang biglang may nalaglag na malaking bato.

Ang naturang tipak ng bato ay galing umano sa sa bundok sa tabi ng kalsada sa Ileb, Nambaran.

Sinubukan ng driver na iwasan ang bato subalit nawalan umano ito balanse dahilan para mahulog sa bangin.

Samantala, agad na isinugod sa ospital ang mga sakay at kasalukuyang nagpapagaling.