WebClick Tracer

Rep. Duterte pinatawad Australian na nagtangkang sumagasa sa kanya

Paolo Duterte

Nagdesisyon si Davao City Rep. Paolo Duterte na patawarin ang 82-anyos na Australian na si Michael Hatcher na nagtangkang sumagasa sa kanya sa Davao City noong 2013.

“I remember very well what happened between me and Mr. Hatcher and it pains me every time I am reminded of it. Nevertheless, I have decided to forgive Mr. Hatcher and move on as I believe it is the more noble thing to do than to forever hold a grudge against an 82-year-old man,” sabi ni Duterte.

Dalangin umano ni Duterte na mahanap ni Hatcher ang kapayapaan sa kanyang puso at maging masaya sa kanyang buhay kasama ang kayang mga mahal sa buhay.

Ayon sa ulat, humingi ng tulong si Hatcher sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) field office sa Pasig kaugnay ng lalaki na nagpakilalang treasure hunter at humihingi sa kanya ng P54 milyon kapalit ng isang tonelada ng ginto mula sa Mindanao.

Nagsagawa ng background check ang CIDG kay Hatcher at dito nadiskubre na mayroon siyang warrant of arrest.

Nakasuhan si Hatcher dahil sa tangkang pagsagasa kay Duterte at isang police escort sa McArthur Highway sa Davao City noong 2013.

Nakapagpiyansa si Hatcher pero hindi na umano dumalo sa mga pagdinig kaya naglabas ng arrest warrant ang korte.

TELETABLOID

Follow Abante News on