WebClick Tracer

Preso binakbak inidoro, nakatakas sa kulungan

Nakatakas mula sa isang bilangguan sa bansang Belgium ang isang 26-anyos na preso matapos niyang bakbakin ang inidoro sa kanyang selda.

Ayon sa ulat ng The Brussels Times, nakakulong ang lalaki sa mga kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Tumakas umano ito noong Lunes ng gabi.

Nakatakda pa sanang ilipat ng bilangguan ang lalaki ngunit nang silipin ang kanyang selda ay wala na ito, at butas ang pader sa kanyang banyo.

“But before we could transfer him, he broke the toilet in his cell and escaped via a little hole in the wall behind it,” wika ni West Flanders Public Prosecutor Tom Janssens.

“Then he ended up in a corridor on level -1, where he was able to escape through a window,” dugtong pa ni Janssens.

Nagkataon pang sira ang camera sa selda ng lalaki nang siya ay tumakas. Patuloy siyang pinaghahanap ng mga awtoridad.

TELETABLOID