WebClick Tracer

Palaboy na nagwala sa New York ‘di umubra sa Fil-Am MMA fighter

Kinilala ng mga awtoridad ang isang Filipino-American mixed martial artist matapos nitong sagipin ang ilang indibidwal na binubugbog ng isang palaboy sa New York City kamakailan.

Ang Fil-Am ay kinilalang si Ro Malabanan, na eksperto sa Brazilian jiujitsu at boxing. Ang kanyang pamilya ay lumipad mula Pilipinas pa-Amerika noong siya ay siyam na taong gulang pa lang.

Kwento ni Ro, naganap ang insidente noong Hulyo 27 nang makita niyang binubugbog ng isang palaboy na African-American ang anim katao. Bilang MMA fighter, rumesponde siya at sinampolan ang umaatakeng palaboy.

“Two guys walking towards me and a third guy showed up out of nowhere, and just sucker-punched one of the guys, and punched him at the side of the face,” kwento ni Ro sa kanyang IG.

“I kept my eye on him to be sure I’ll be safe, just in case he tried anything on me,” dugtong pa niya.

“My jiujitsu instinct just kicked in. I jumped on his back,” kwento pa ni Ro. Habang nakapatong siya sa palaboy ay hiniling niya sa mga ibang saksi na tumawag ng pulis para mahuli ito.

Dahil sa kanyang ginawa ay nakapanayam siya ng NBC New York at binansagang ‘Good Samaritan.’

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

TELETABLOID

Follow Abante News on