WebClick Tracer

Meralco may pantapat sa SMB

Itutuloy ng Meralco ang momentum ng 2-1 win kontra Ginebra sa quarterfinals sa semifinals ng PBA Philippine Cup.

Toka ng No. 5 Bolts sa best-of-seven series ang top seed San Miguel Beer na muling pamumunuan ni six-time MVP June Mar Fajardo sa Smart Araneta Coliseum umpisa ngayon.

Isa sa dalawang talo ng Beermen sa eliminations ay niregalo ng Bolts 89-86 noong July 17.

Pero wala sa SMB noon sina Jericho Cruz, Rob Herndon at Chris Ross.

Ngayon ay kumpleto na ang roster ni coach Leo Austria, may Fajardo na magpapasakit sa ulo ng Bolts, may CJ Perez, Mo Tautuaa at Vic Manuel pa sila.

“The depth will really matter for them,” ani Meralco interim coach Luigi Trillo sa panayam ng CNN Philippines. “I think it’s gonna be a good one, we have the pieces to match up.”

Tinutukoy niya sina Cliff Hodge na pangunahing angkla ng depensa ng Bolts, Kyle Pascual, Aaron Black, Chris Newsome, Allein Maliksi, Raymond Almazan, Chris Banchero.

TELETABLOID

Follow Abante News on