WebClick Tracer

Meralco nilaglag Ginebra

Sumabit sa tagumpay ang Meralco kontra Barangay Ginebra sa iskor na 106-104 sa do-or-die na Game 3 ng Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup quarterfinals sa Mall of Asia Arena nitong Linggo.

Sa nakuhang panalo, nakaganti na ang Meralco sa mga talo nila sa Governors Cup laban sa crowd favorite na Barangay.

Kumamada ng 21 puntos, 10 rebound at 12 assists si Chris Newsome habang nag-ambag naman ng 17 puntos si Aaron Black.

Dahil sa panalong ito ng Meralco, haharapin nila ang San Miguel Beermen para sa semifinals ng liga.

“We enjoy actually having this challenge again… It’s something we’ve been working towards or a long time now. We finally got it,” ayon kay Newsome tungkol sa dikit lang na panalo.

TELETABLOID

Follow Abante News on