WebClick Tracer

Kamara nakiramay sa pagkamatay ni Japan PM Abe

Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon ng pakikiramay sa mga naiwan ng pinaslang na si dating Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

“Prime Minister Abe’s legacy as a prolific and illustrious leader made him the most notable Japanese politician of the last three decades who tirelessly campaigned for peace and multilateralism,” sabi sa House Resolution 121.

Ang resolusyon ay akda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose Dalipe, House Minority Leader Marcelino Libanan, at Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos.

“The untimely passing of Prime Minister Shinzo Abe leaves a huge vacuum among the ranks of world leaders in the international community and in the hearts of the Japanese people for whom he devoted a great part of his life to serve,” sabi pa sa resolusyon.

Kinilala ng resolusyon ang mga nagawa ni Abe na nagpaganda umano sa estado ng Japan.

Nangangampanya si Abe ng barilin sa Nara, Japan noong Hulyo 8. Namatay siya sa ospital.

TELETABLOID