WebClick Tracer

Pamilya Furigay itinanggi kaugnayan sa pagpatay sa erpat ni Yumol

Mariing itinanggi ni Kelsey Furigay, anak ng pinatay na si ex-mayor Rosita Furigay, na may kaugnayan ang kanyang pamilya sa pagpatay sa ama ni Chao Tiao Yumol.

Si Yumol ang suspek sa pagpatay sa dating alkalde at dalawa pang katao sa Ateneo de Manila University. Ilang araw matapos ito, pinatay naman ang ama ni Yumol sa Lamitan City, Basilan.

Ngayong Sabado, sumabog na si Kelsey sapagkat pinagbibintangan ang kanilang pamilya na nagpapatay sa ama ni Yumol bilang paghihiganti sa pamamaril sa kanilang ina.

“The FURIGAYS have nothing to do with the shooting of Yumol’s father. In fact we are encouraging thorough investigation to bring justice,” saad ni Kelsey sa kanyang open letter.

Bukod dito, muli ring binanggit ni Kelsey na ilang beses na silang na-clear ng PDEA kaugnay ng paratang na sangkot ang dating alkalde sa illegal drug trade. Isa sa mga akusasyon ni Yumol laban kay Furigay ay ang pagkasangkot umano nito sa ipinagbabawal na gamot.

Wika pa ni Kelsey, naglabas na siya ng open letter upang maawat na ang mga netizen sa mga maling paratang laban sa pamilya Furigay.

TELETABLOID