WebClick Tracer

Bongbong tiwala sa PH Para squad

KUMPIYANSA si Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mapapantayan ng mga Para athlete ang tagumpay ng mga atleta na sumabak sa international competition sa pagsabak ng Philippine Team sa 11th ASEAN Para Games na opisyal na nagbukas Sabado, sa Surakarta, Indonesia.

“I would just like to send my good luck wishes to Team Philippines who are flying now to the 11th ASEAN Para Games. Siguro naman mapapantayan ninyo ang mga success story na nakita sa ating mga ibang atleta na nakipaglaban sa mga international games na kagaya nito,” ayon kay Presidente Marcos.

Agad naman sinuklian ng mga Para athlete ang hiling na ito ng Presidente matapos na kunin ang unang panalo sa men’s 3×3 wheelchair basketball, kontra Indonesia, 15-10.

Sinandalan ng Philippine Team ang lakas ni Alfie Cabanog nang simulan nitong tumakbo ng 6-1 run buhat sa 0-2 deficit sa unang yugto kung saan nakatuwang niya si Kenneth Tapia.

“Masayang-masaya po kami at ibinigay po namin ang best namin para matalo ang Indonesia,” pahayag naman ni Cabanog.

Samantala, sigurado si Presidente Marcos na muling kikinang ang bituin ng mga Para athlete upang magbigay ng karangalan sa Pilipinas.

“Good luck sa inyong lahat ako ay nakasisiguro na papasikatin na naman ninyo ang Pilipinas,” ayon pa rin kay Presidente Marcos.

TELETABLOID

Follow Abante News on