WebClick Tracer

Ginebra naka-pwersa ng do-or-die, fans nagbunyi

Muling binuhay ng Barangay Ginebra ang kanilang never-say-die spirit sa game two ng kanilang quarterfinals series ngayong Biyernes kung saan dinaig nila ang Meralco Bolts, 94-87.

Dahil dito, tinabla ng Ginebra ang serye sa 1-1 at magkakaroon ng do-or-die game three sa Linggo.

Sabayan ang parehong koponan sa kabuuan ng laban ngunit tumiklop ang Bolts sa huling tatlong minuto ng laro at ibinulsa ng Ginebra ang panalo.

Bumida para sa Ginebra si Japeth Aguilar sa kanyang 25 points at limang supalpal, habang 15 points at 12 rebounds pa si Christian Standhardinger.

Sa Twitter, trending ang Ginebra dahil sa muling pagkasaksi sa never-say-die spirit ng koponan.

Nanguna naman para sa Bolts si Cliff Hodge sa kanyang 25 points.

TELETABLOID

Follow Abante News on