WebClick Tracer

Metro Manila nasa ‘moderate risk’ sa COVID

Nasa ilalim na ngayon ng “moderate risk” sa COVID-19 ang Metro Manila kasunod ng pagtaas ng mga kaso, ayon sa Department of Health nitong Huwebes.

Ang average na daily attack rate (ADAR) ng rehiyon, o ang bilang ng mga bagong kaso sa loob ng dalawang linggo na hinati sa populasyon nito, ay nasa 7.25 kaso bawat 100,000 populasyon.

Sa kabila nito, nasa “low risk” pa rin umano ang kabuuan ng Pilipinas dahil sa “low risk” na healthcare utilization, sa kabila ng lahat ng rehiyon ay tumataas ang kaso sa nakalipas na isa at dalawang linggo.

“Nananatiling mas mababa sa 1,000 cases simula mid-March ang ating severe at critical admissions. ‘Di po sinasabayan ng admissions natin ang pagtaas ng mga kaso,” ani Health Undersecretary Beverly Ho.