WebClick Tracer

3 Pinoy wagi ng 3 medalya mula sa Math Olympiad

Dalawang ginto at isang silver medal ang ibinulsa ng tatlong Pinoy na sumabak sa 2022 Copernicus Math Olympiad na ginanap sa New York City kamakailan.

Isa sa mga nagwagi ng ginto ay si Angela Clare Lim Tan, mag-aaral ng grade 6 mula sa Tarlac Faith Living Academy.

Ang isa pang nanalo ng ginto ay si Alexis Griff Genovatin, grade 10 student mula sa Philippine Science High School-Western Visayas.

Si Arthur Caleb Co naman ng Philippine Science High School-Central Luzon ang nagbulsa ng silver medal.

Ayon sa ulat, pumalo sa mahigit 1,500 mag-aaral mula sa 26 na bansa ang nagtagisan ng talino sa naturang patimpalak.

TELETABLOID

Follow Abante News on