WebClick Tracer

Jackie Rice napagod na sa trabaho: Bakit kasi hindi na lang ako naging isang Disney Princess?

Ibinahagi ni Jackie Rice sa Instagram nitong Biyernes na pagod na siyang magtrabaho.

Tinanong niya rin ang sarili kung bakit hindi na lang umano siya naging Disney Princess.

“Nakakapagod na mag work. Bakit kasi hindi nalang ako naging isang Disney Princess,” aniya.

Sa kabila ng sinasabi niyang pagod na siyang magtrabaho ay hindi naman halata sa kalakip na mga larawan.

Fresh na fresh ang aktres sa suot niyang white dress at para siyang Disney princess na kumikinang. Lutang na lutang din ang kanyang mala-Snow White na kutis.

Pinuri naman siya ng mga tagahanga.

“Anghel sa lupa”

“simplicity at its finest”

“Snow white”

TELETABLOID

Follow Abante News on