WebClick Tracer

Middle class makikinabang sa income tax deduction — Angara

Malaking ginhawa umano para sa middled class ang pagbabawas sa income tax sa susunod na taon, ayon kay Senador Sonny Angara.

“Yes. Next year there would be tax relief. Under the TRAIN law, there would be another income tax reduction,” pahayag ni Angara sa panayam ng mga reporter sa Baler, Aurora matapos ang pagdiriwang ng 20th Philippine-Spanish Friendship Day celebration noong Sabado.

“That will benefit the middle class—the teachers, ordinary employees who receive salaries that are subject to withholding tax. Their tax will be reduced next year,” diin pa niya.

Ang tinutukoy ni Angara, mananatiling chairman ng Senate Committee on Finance in the 19th Congress, ay ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion Law (TRAIN Law), o Republic Act No. 10963.

Ipinanawagan ng ilang mambabatas na bigyan din ng gobyerno ng ayuda ang nasa middled dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa patuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Bukod pa diyan, hirap na hirap na rin ang mga ordinaryong pamilyang Filipino sa taas na presyo ng bilihin habang nasa kasagsagan pa rin ng pandemya.

Subalit, target ng gobyerno na bigyan ng financial subsidy o ayuda ang mga minimum wage earner o iyong mga nasa poverty line.

Umaasa si Angara na ang tax deduction sa ilalim ng TRAIN law ay makakatulong subalit nangako itong titingnan niya ang ibang posibleng mekanismo na magpapagaan sa financial struggle ng nasa middle class sector.

Bukas din ang senador sa pagbibigay ng cash subsidies para sa middle class subalit kailangang may sapat na pondo ang gobyerno para dito.

“If it’s possible, why not? We’ll have to see the numbers. But when it comes to financial aid, of course, we need to first prioritize those who are below the poverty line,” ani Angara.

TELETABLOID