WebClick Tracer

Tanggapan ni VP Sara ililipat sa Mandaluyong

Inanunsyo ng tagapagsalita ni Bise Presidente Sara Duterte na si Atty. Reynold Munsayac na lilipat ng tanggapan ang Office of the Vice President.

Mula sa Quezon City Reception House, lilipat umano ang OVP sa Mandaluyong City.

“The new location will be able to accomodate all the co-term, casual, and permanent employees of the OVP. This will enhance efficiency, economy, and result in streamlined processes since all the OVP employees are within the same area,” saad ni Munsayac.

Nagpasalamat naman ang kampo ni Duterte sa lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pagpapagamit ng Reception House para sa OVP.

TELETABLOID

Follow Abante News on