WebClick Tracer

Roque naimbiyerna sa Dilawan, Pinklawan, CPP-NPA: Move on!

Naimbiyerna si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa mga Dilawan, Pinklawan at CPP-NPA na nagpapakalat diumano ng fake news tungkol sa ipinamigay na inaugural souvenir ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon sa ilang netizen, gawa raw ang mga inaugural souvenir sa Tallano gold.

Kaya naman rumesbak si Roque at sinabing gawa sa ceramic na pinintahan ng gold ang mga inaugural souvenir.

“To Dilawan, Pinklawan and CPP-NPA: stop the disinformation and fake news! The tokens given during the inaugural dinner were made of ceramic painted in gold,” ani Roque.

“Please stop the negativity, hatred and do move on!” dugtong niya.