WebClick Tracer

Magkapatid nakidlatan, dedo

Patay ang dalawang magkapatid pati ang kanilang kaibigan matapos makidlatan habang naliligo sa dagat kasabay ng malakas na buhos ng ulan sa Lebak, Sultan Kudarat nitong Lunes.

Kinilala ang nasawing magkapatid na sina Venn Alieh Lambak, 21-anyos, at Ricky Lambak, 18-anyos, pati ang kaibigan nilang si Princess Shiecca Wakay, 20-anyos.

Ipinahayag ni Sultan Kudarat Police Provincial Director Colonel Tom Tuzon na naganap ito sa isang beach resort sa Brgy. Kinudulan.

Masayang naliligo sa dagat ang magkakaibigan habang umuulan nang biglang kumidlat at tinamaan ang mga biktima.

Nang matamaan ng kidlat ay nalunod pa ang mga ito.

Humingi agad ng tulong sa awtoridad ang mga residenteng nakakita.

Isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit dineklara nang patay.

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto