WebClick Tracer

2 sundalo kritikal sa pag-atake ng NPA sa Samar

Dalawang sundalo ang nasa kritikal na kondisyon habang lima pa ang nasugatan sa isang pagsabog sa Mapanas, Northern Samar ngayong Martes na pakana umano ng rebeldeng grupo.

Ayon sa ulat ng 8th Infantry Division ng Philippine Army, nagsasagawa ng community service sa naturang lugar ang mga sundalo nang maganap ang pagsabog dakong alas-6:15 ng umaga.

“Of the seven, dalawa ang critical, so ongoing ang evacuation nila sa hospital,” wika ni Major General Edgardo de Leon.

“Hopefully malampasan nila yung kanilang ordeal na, nagko-community service na nga, pinasabugan pa ng anti-personnel mine,”dagdag pa ni De Leon.

Wala namang naiulat na nasaktan mula sa panig ng mga sibilyan.

Sa ngayon, ikinasa ang isang pursuit operation ang mga nasa likod ng pagsabog, na pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).