WebClick Tracer

Taas-sweldo ng mga guro sa public school itinutulak ni Angara

Para mas marami pang mahikayat na magturo sa pampublikong paaralan, naghain si Senador Sonny Angara ng isang panukala na magtataas sa minimum salary grade ng mga guro sa Salary Grade 19 mula sa kasalukuyang Salary Grade 11.

Ang panukala ay isa sa unang 20 panukala na inihain ni Angara para sa 19th Congress.

“Public school teachers are among the most underpaid workers, given their workload and role in the society,” sabi ni Angara sa explanatory note ng panukala.

“Despite the fact that they are heralded as molders of our children’s future and second parents to our children, public school teachers receive a basic salary that does not equate to their contribution,” dagdag pa niya.

Ayon kay Angara, ang mababang sahod ng halos 900,000 guro sa pampublikong paaralan ay naging pangunahing disentibo o sagabal sa kanila para ma-improve ang kanilang teaching skills at pinapanghinaan ng loob para sa dagdag pang pagsasanay.

Ang mababang suweldo rin aniya ang siyang dahilan kung bakit hindi kaakit-akit sa pinakamahuhusay na nagsipagtapos sa mga kilalang mga kolehiyo at unibersidad.

“Our teachers are considered to be the heart of the educational system. Hence, the government needs to give priority to their welfare and interests,” sabi ni Angara.

Bukod diyan, naghain din si Anagra ng panukala na magbibigay ng Teacher Education for Achievers (TEACH) program na naglalayong mag-produce ng well-trained teaching workforce sa pamamagitan na pagbuo ng isang program ana magbibigay ng scholarships sa mga kwalipikadong aplikante na gustong magkaroon ng education degree.

Isusulong din ni Angara ang panukalang Teaching Supplies Allowance Act na nadadagdag sa cash allowance sa mga guro sa P5,000 kada taon mula sa kasalukuyang P3,500.

TELETABLOID