WebClick Tracer

Thanksgiving concert para kay PRRD dinumog

Kahit bumuhos ang ulan, hindi inalintana at dinumog ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “Salamat, PRRD” event sa Quirino Grandstand sa Maynila nitong Linggo, June 26 ilang araw bago matapos ang kanyang termino.

Ayon sa direktor ng event na si Njel De Mesa, pagpapasalamat lamang sana ito ng mga volunteer at supporter ni PRRD pero hindi nila inasahang dadalo rin ang Pangulo sa event kasama ang partner na si Honeylet Avancena.

Handog ito ni Pangulong Duterte bilang pasasalamat sa suporta ng sambayanang Pilipino sa loob ng anim na taong panunungkulan niya.

Tampok sa okasyon ang live performances mula sa mga mahuhusay na mang-aawit at artista ng bansa, kabilang na sina Andrew E, Freddie Aguilar, Ice Seguerra, Martin Nievera at Philippine Philharmonic Orchestra.

Nagsilbi namang host sina Bayani Agbayani, Arnel Ignacio at Mariel Padilla.