WebClick Tracer

Marcos Jr top priority ang pagkain, pagsasaka — Angara

Pabor ang ilang senador kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pansamantalang pamunuan ang Department of Agriculture (DA).

Ayon kay Senador Sonny Angara, ang pamumuno ni Marcos sa DA ay nangahulugan na una sa kanyang prayoridad ang pagkain at pagsasaka.

“It’s the president’s prerogative since all cabinet secretaries are his agents anyway,” reaksiyon ni Angara.

“Nangangahulugan Ito na top priority ni President elect BBM ang sitwasyon sa pagkain at pagsasaka lalong lalo na sa panahon ng pag taas ng presyo ng pagkain sa pandaigdigang merkado at dito sa loob ng bansa. Maaari din na naghahanap pa sila ng mahusay na mamumuno sa DA,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni Marcos na naoobliga siyang pamunuan ang DA dahil sa lumalalang seryosong problema sa sektor ng agrikultura, lalo na pagdating sa food sufficiency.

Maging si Senador Francis Escudero ay sang-ayon na pamunuan ni Marcos ang DA.

“Definitely! By taking on this portfolio, PBBM can cut a lot of red tape and it automatically put at the disposal of the Department and the agriculture sector, all the resources of government behind it,” ayon kay Escudero.

Sabi naman ni Senador Joseph Victor Ejercito: “I think it’s a good move by PBBM, goes to show he is serious in addressing the food crisis issue by taking on the portfolio of DA himself.”

“It’s a strong signal to the agencies under DA that they should all get their acts together,” dagdag pa niya.

TELETABLOID