WebClick Tracer

Angara: K-to-12 rebyuhin, ‘wag buwagin

Hindi pabor si Senador Sonny Angara sa panukalang buwagin ang K-to-12 education system bagkus mas mainam umanong rebyuhin muna ang nasabing programa.

“Not necessarily with a view to abandoning it kasi sa tingin ko di pa talaga siya naimplementa nang maigi,” sabi ni Angara.

Ayon kay Angara, chairman ng Senate finance committee, maraming mga isyu ang kailangan talakayin sa pagpapatupad ng K-to-12.

‘’Funding is one of the issues that needs addressing at hopefully post pandemic, mabigyan talaga ng focus Ito since nagbukas na ang bansa at pa recover na ang ekonomiya,” paliwanag ni Angara.

‘’Pwede magbigay ng naaakmang pondo dito sa Edukasyon,” dagdag pa niya.

Nauna rito, sinabi ni Vice President Sara Duterte-Carpio na siya ring susunod ng kalihim ng Department of Education na ang isyu ng pagbuwag ng K-to-12 program ay isang isyu na hindi dapat desisyunan ‘overnight’.

Sang-ayon naman si Angara na rebyuhin nang mabuti ang nasabing program.

“I think the K12 should really be reviewed. Yung pangako na may maayos na science track or arts and sports track for Gr11-12 di nakikita yan sa lahat ng parte ng bansa. Isa lang yan sa maraming pag-uusapan dapat sa implementasyon ng K12,” ani Angara.

TELETABLOID