WebClick Tracer

Bongbong Marcos dumating na sa Davao

Nasa Davao na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para saksihan ang inagurasyon ng kanyang VP na si Sara Duterte-Carpio.

Sa kanyang Facebook page, ibinahagi ang video ng pagdating ni Marcos Jr.

“Welcome to Davao,” mababasa sa video.

Ngayong June 19 ang panunumpa ni Vice President-elect Sara Duterte bilang ika-15 bise presidente ng Pilipinas na gaganapin sa San Pedro Square.

Bago nito, dumalo muna sa misa si VP-elect Sara kasama ang ilang miyembro ng First Family sa San Pedro Catheral.

TELETABLOID

Follow Abante News on